Bridge network at IPTables sa Linux
Sa pagkakataong ito ay tatalakayin ko naman kung paano gumawa ng Bridged type na firewall.
Una sa lahat, ano ba ang bridged type na network?
LAN ---- BRIDGE DEVICE ---- ROUTER
sa pagsasalarawan na nasa itaas ay makikita natin an ang posisyon ng bridge device ay naka IN-LINE sa LAN at ROUTER, pero hindi alam ng LAN na may BRIDGE DEVICE sa pagitan niya at ng ROUTER samakatuwid, ang bridge type na firewall ay isang epektibong solusyon kung ayaw mong magpalit ng IP ng router at ng LAN. Tinatawag din ang bridged type na firewall na Transparent Firewall.
Ang mga kinakailangan:
IPTables (siyempre naman)
bridged-utils
Dalawa o higit pang Network Card (siyempre din naman)
Ipagpalagay nating dalawa ang network card ng ating bridge firewall, kinakailangan nating i up ang NIC ngunit hindi natin lalagyan ng IP, bakit? kasi nga bridged firewall ito at hindi niya kailangan ng IP
ifconfig eth0 0.0.0.0 up
ifconfig eth1 0.0.0.0 up
yan, naka up na ang NIC pero walang IP, kapag nag issue ka ng command na ifconfig, ganito dapat ang lalabas
eth0 Link encap:Ethernet HWaddr 00:0B:6A:C5:C2:5D
inet6 addr: fe80::20b:6aff:fec5:c25d/64 Scope:Link
UP BROADCAST RUNNING MULTICAST MTU:1500 Metric:1
RX packets:3332563221 errors:0 dropped:0 overruns:0 frame:0
TX packets:3382238062 errors:0 dropped:0 overruns:20 carrier:0
collisions:0 txqueuelen:1000
RX bytes:2729358673 (2.5 GiB) TX bytes:386041953 (368.1 MiB)
Interrupt:10 Base address:0xb800
eth1 Link encap:Ethernet HWaddr 00:04:76:73:3C:2C
inet6 addr: fe80::204:76ff:fe73:3c2c/64 Scope:Link
UP BROADCAST RUNNING MULTICAST MTU:1500 Metric:1
RX packets:3377799673 errors:0 dropped:0 overruns:30349 frame:0
TX packets:3314537649 errors:0 dropped:0 overruns:0 carrier:0
collisions:0 txqueuelen:1000
RX bytes:3566158420 (3.3 GiB) TX bytes:8320849 (7.9 MiB)
Interrupt:5 Base address:0xbc00
ang susunod nating gagawin ay gagawa na tayo ng interface para sa bridge. Gwain lamang ang mga command na gaya ng nasa ibaba
brctl addbr br0
brctl addif br0 eth0
brctl addif br0 eth1
ifconfig br0 up
yung unang hanay ay nagsasabing mag gawa ng bridge interface na ang pangalan ay br0 (puede nyo itong baguhin, nasa sainyo yun)
yung pangalawa at pangatlong hanay ay nagsasabing ang miyembro ng bridged na br0 ay eth0 at eth1
yung pang huli ay nagsasabing i up na ang bridge interface na br0
Sa pagkakataong ito ay dapat na gumagana na ang ating bridged type na setup. para ma test ito ay ikonekta ito ng naka IN-LINE sa LAN at ROUTER dapat ay parang walang nangyari kapag ginawa ito.
Ang mga packet ay dapat na dumaloy na walang problema dahil sa hindi pa naman tayo gumagawa ng mga restriksyon sa ating bridged device.
kung ang mga packet ay dumadaloy ng maayos, oras na para gumawa ng mga rules na maglilimita sa pagdaloy ng packet.
kung paano gumawa ng rules ay basahing muli ang aking isinulat patungkol sa IPTables
huwag kalimutang i enable ang ip forwarding
echo "1" > /proc/sys/net/ipv4/ip_forward
Hanggang sa muli.