Ang aking unang blog

Thursday, January 27, 2005

unang domain

sa wakas may domain na rin ako, salamat sa idotz.net, sa humigit kumulang sa Php 500 kada taon eh may domain ka na at sa zoneedit.com kung saan naka host ang aking DNS para sa aking domain.

Dahil may sarili na akong domain, naisip kong maglagay ng sarili kong email system. Una kong naisip ang gumamit ng POSTFIX Wala akong naging problema sa paggamit ko ng POSTFIX kaya lang gusto kong magkaroon ng virtual email hosting na kung saan ang aking sariling "desktop computer" muna ang aking gagawing "test machine". Magpahanggang ngayon, di ko pa nagagawa o di pa ako nakakapag configure ng virtual email sa kahit anong MTA, at nung mga panahong nag-iisp ako kung paano ko yun gagawin, palagi kong kausap ang mga dati kong kasama sa trabaho na sina blink, kamandag at netsektor na nagkataong puro gumagamit ng QMAIL. Sila ang nagsabi sa aking bakit di ko subukan ang QMAIL. nagbasa basa ako ng mga babasahin sa internet at nakita ko ang lifewithqmail.org at ang qmailrocks.org na kung saan napakalinaw na tinalakay ang mismong nais kong mangyari at sa isang iglap eh nagkaroon ako ng virtual email na kung saan nakakabit ang aking kauna-unahang domain. At sa patuloy kong pagbabasa, nakita ko ang benipisyo sa paggamit ng QMAIl, sa usaping seguridad, estabilidad at sa pagiging "user friendly" sa aming mga sysad.

ang aking domain ay jond3rd.org at may email akong jon@jond3rd.org

sa susunod ay itatalakay ko kung paano ko binuo ang aking QMAIL na sistema, masasabi ako, maligaya ako sa natuklasan ko :-)

hanggang sa muli


-jon-